Susuyurin ng Philippine Athletics Track and Field chief Philip Ella Juico sa pamamagitan ng programa nitong Weekly Relays ang buong Luzon, Visayas at Mindanao upang mas maituro ang teknikalidad, tamang paglalaro at makadiskubre ng mga bagong talento para sa hinahanap na bagong talento sa pambansang koponan.

Katulong ang dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na si Aparicio Mequi ay isinagawa ng PATAFA ang Street Athletics sa Dumaguete para maengganyo ang mga out-of-school na kabataan na unti-unting nagiging popular sa siyudad.

Kaya naman nais ni Juico na isagawa din sa iba’t-ibang probinsiya ang weekly relays na nakapagdebelop ng bagong national record sa men’s triple jump mula kay Mark Harry Diones.

Ang 22-anyos na si Diones, na mula sa Libmanan, Camarines Sur, at una nang nagtala ng ilang record sa NCAA habang kabilang sa Jose Rizal, ay tinabunan ang dating 16.12-meter na itinala ni Joebert Delicano noong 2009 Laos Southeast Asian Games sa nilundag nito na 16.29m sa weekly relays sa PhilSports Complex sa Pasig City nito lamang nakaraang Nobyembre.

Dahil sa kanyang nagawa ay nakasiguro si Diones ng kanyang puwesto sa national team na nakatakdang lumahok sa susunod na taon na Southeast Asian Games sa Malaysia. Kailangan ni Diones na mapanatili ang kanyang talon upang agad mapabilang sa delegasyon.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Isa rin sa nakitaan ng potensiyal ang 19-anyos na si Aira Teodosio mula sa Univeristy of Santo Tomas na nagbura sa isang national juniors record sa weekly relays nakaraang Agosto matapos na itala ang 40.70 metro sa discuss throw upang burahin ang 37.51 metro na itinala ni Jessah Fernandez noong 2013 UAAP season.

“We are planning to do the Weekly Relays on a regular basis,” sabi ni Juico sa plano nito na isagawa ang programa sa mga probinsiya ng Mindanao, Visayas, Southern at Northern Luzon.

“We all know that talents are no longer in the urban areas so we have to scrape the provinces to find it,” sabi ni Juico. “That is why we might bring it to Mindanao particularly in Cotabato where our coordinator there, Henry Dagmil, will help us organize it. “We’re also looking at holding it in Visayas, probably Cebu or Bacolod as well as in Bicol in Legaspi and up North in Isabela,” sabi pa nito. (Angie Oredo)