SEOUL (PNA) — Ikinasa ang panibagong malawakang kilos-protesta upang patalsikin si South Korean President Park Geun-hye simula noong Sabado sa Seoul, habang hindi pa nagdedesisyon ang Constitutional Court sa impeachment nito, ayon sa local media.
Naganap ang kilos-protesta sa sentro ng lungsod, ayon sa ulat ng Kyodo Agency news agency.
Naging saksi ang Seoul sa sunud-sunod na protesta laban kay Park sa loob ng 10 linggo. Sa tantsa ng mga organizer, umabot na sa 10 milyon ang nakibahagi sa protesta.