NABULABOG ang Aldub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa nasulat na may mystery girlfriend si Alden na nakatira sa isang posh village sa Makati City.
Nalaman daw ang tungkol sa girlfriend ng aktor dahil laging nakikita ang sasakyan niyang GMC Savana sa harap ng bahay ng girl.
May mga umiyak na fans nang mabasa ang balita, may na-high blood, may naawa kay Maine, at marami ang nagalit kay Alden. Niloloko lang daw niya ang ka-love team at ang Aldub Nation.
Nabawasan lang ang galit at pagkabahala ng fans nang mag-tweet ang daddy ni Alden at sinabing hindi totoo ang nasulat. Ang sinasabing sasakyan ni Alden na nakikitang naka-park sa bahay ng diumano’y girlfriend nito ay inaalikabok na dahil hindi ginagamit.
Tuluyang napayapa ang fans nang finally ay sumagot sa pamamagitan ng Twitter si Alden, at itinanggi na may girlfriend siya.
“Guten Morgen, guys! I woke up & read an article about me & a ‘mystery girl?’ I just wanna make it clear that I don’t have a mystery girlfriend. The only time I went to a posh village in Makati was when I visited Dra. Vicky Belo & Scarlet Snow, with some staff from Artist Center... so dili man po totoo ‘yung balita.
“P.S. When we visited Dra. Belo wala pa po akong GMA nu’n.”
Sinundan ‘yun ni Alden ng isa pang tweet. “Just want to clarify the circulating issue... then again, not true. Happy New Year eblibady.”
Pero hindi pa rin magtatapos ang isyu sa pagde-deny ni Alden tungkol sa naturang tsika. Magkakaisyu pa rin siya dahil magkasama sila ni Julie Anne San Jose with Andrea Torres and Betong Sumaya sa New Year Countdown ng GMA-7 kagabi na hindi ikinatutuwa ng ilang Aldub Nation fans. (NITZ MIRALLES)