Inihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tumatanggap ngayon ang Ministry of Health ng Saudi Arabia ng mga aplikante para sa 150 dental assistant.

Ang mga aplikante na kinakailangang babae, hindi hihigit sa 40 anyos, nagtapos at lisensiyadong Doctor of Dental Medicine, at may karanasan sa trabaho na tatlong taon pataas.

Ang mga kuwalipikadong aplikante ay kinakailangang magrehistro online sa www.eregister.poea.qov.ph, bukod pa sa personal na magsusumite ng detalyadong resumé at iba pang credentials at requirements sa Manpower Registry Division sa Blas F. Ople Building sa Ortigas Avenue corner EDSA, Mandaluyong City. (Mina Navarro)

Teleserye

Sharon Cuneta, Barbie Forteza, Khalil Ramos, John Estrada magsasama sa 'Honor Thy Mother'