GERONA, Tarlac - Naglipana pa rin sa mga pamilihang bayan ang Salisi Gang members at kamakailan ay biniktima nila ang isang tindera sa public market ng Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang biktimang si Marline Flores, 43, may asawa, na natangayan ng shoulder bag na naglalaman ng mahahalagang card, Samsung cell phone at mahigit P15,000 cash.

Ayon sa biktima, abala siya sa pagtitinda ng mga gulay at itlog sa pagitan ng 9:00-10:00 ng umaga nitong Miyerkules nang nasalisihan siya ng apat na babaeng suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!