CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Isang piskal ang nabiktima ng Akyat Bahay gang makaraang looban ang bahay nito sa Barangay Kapitan Pepe sa lungsod na ito, nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, hepe ng Cabanatuan City Police, ang biktimang si Assistant Provincial Prosecutor Julius King Cruz, 36, residente sa nasabing lugar.
Dakong 2:00 ng umaga nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima at kinulimbat ang isang .45 caliber pistol na may magazine assembly, P110,000 halaga ng alahas at P10,000 cash. (Light A. Nolasco)