PLANO ni Philippine Athletics Track and Field (Patafa) chief Philip Ella Juico na isagawa na rin sa Luzon, Visayas at Mindanao ang programa nitong Weekly Relays upang mas maituro ang teknikalidad, tamang paglalaro at makadiskubre ng mga bagong talento para sa pambansang koponan.

Katulong si dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Aparicio Mequi, naisagawa ng Patafa ang Street Athletics sa Dumaguete para maengganyo ang mga out-of-school na kabataan na sumabak sa sports.

Kaya ninais ni Juico na isagawa rin sa iba’t-ibang probinsiya ang weekly relays na nakapagdebelop ng bagong national record sa men’s triple jump mula kay Mark Harry Diones.

Ang 22-anyos na si Diones, nagmula sa Libmanan, Camarines Sur, ay nagtala ng ilang record sa NCAA habang kabilang sa Jose Rizal. Tinabunan niya ang dating 16.12-meter na itinala ni Joebert Delicano noong 2009 Laos Southeast Asian Games sa nilundag nito na 16.29m sa weekly relays sa PhilSports Complex sa Pasig City nito lamang nakaraang Nobyembre. .

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa kanyang nagawa, nakasiguro si Diones ng kanyang puwesto sa national team na nakatakdang lumahok sa susunod na taon na Southeast Asian Games sa Malaysia. Kailangan ni Diones na mapanatili ang kanyang talon upang agad mapabilang sa delegasyon. (Angie Oredo)