HINDI nakadalo si Paolo Ballesteros sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil nagkasakit.

Sa post niya sa Instagram, nalamang tumaas ang blood pressure ng tinanghal na Best Actor, kaya minabuting huwag na munang lumabas ng bahay.

Sabi ni Paolo, kumain siya ng burrito for dinner, habang nagpapababa ng BP.

Sayang at hindi natanggap nang personal ni Paolo ang kanyang first local acting award para sa pelikulang Die Beautiful . Matatandaan na siya rin ang tinanghal na Best Actor sa Tokyo International Film Festival last month.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Nagpasalamat na lang siya via post din sa social media at sinabing, “Direeeekkk!!! Maraming salamat!”

Naalala naming nag-wish si Paolo na sana ay kumita ang Die Beautiful at bonus na lang kung mananalo siya ng award.

Kumikita sa takilya ang pelikula dahil pinapanood at nagugustuhan ito ng maraming tao at nakakadalawang Best Actor awards na siya kaya natupad ang wish niya.

Napaka-heartwarming na pagkatapos ng pelikula, na idinirehe ni Jun Lana, ay nagpapalakpakan ang audience to show their appreciation.

Si Christian Bables na gumanap bilang si Barbs na BFF ni Paolo sa Die Beautiful ay nanalo namang Best Supporting Actor.

Ang Die Beautiful din ang MMFF Favorite Movie at Best Float ang kanilang float sa Parade of Stars.