Punumpuno ng pag-asa ang karamihan sa mga Pilipino sa pagsalubong nila sa Bagong Taon, ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa SWS survey nitong Disyembre 3-6, 95 porsiyento ng adult Pinoy ang nagsabing positibo ang mga inaasahan nila sa 2017. Limang porsiyento lang ang nagsabing nangangamba sila.

Ang nasabing resulta, ayon sa SWS, ay nag-match sa pinakamataas na naitala sa mga punumpuno ng pag-asa noong 2002 para sa 2003, at noong 2011 para sa 2012.

Nadagdagan ng tatlong puntos ang optimism ng mga Pinoy sa Bagong Taon kumpara sa naitalang 92% noong 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, nabawasan naman ang nangangamba sa ihahatid sa kanila ng susunod na taon, kumpara sa walong porsiyentong naitala noong 2015.

Tinukoy din ng SWS na mas mataas ang pag-asam sa Bagong Taon kumpara sa 73% kumpiyansang magiging masaya ang Pasko ngayong taon. (Vanne Elaine P. Terrazola)