Malaki ang posibilidad na ang Maute terror group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagsagawa ng pagpapasabog ng bomba sa Hilongos, Leyte, upang ibaling ang atensiyon ng militar na masigasig na tumutugis sa teroristang grupo sa Mindanao.

Ito ang sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa kanyang pagdalo kahapon sa pagdiriwang ng ika-120 Rizal Day.

Nasa 32 katao ang nasugatan sa nasabing pambobomba sa Hilongos.

“(Posibleng ang IED attack) ginawa bilang diversionary tactic to ease the pressure against them,” sabi ni Lorenzana.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dagdag pa niya, matagal na silang may suspetsa na nag-alyansa na ang Maute at BIFF upang mapadali ang pagpapalitan ng teknolohiya sa paggawa ng IED.

Paliwanag ng kalihim, ang kanyang teorya ay batay sa mga bahagi ng 81mm mortar na nakuha sa pinangyarihan ng pagsabog—at ang mga IED na ginamitan ng 81mm rounds ay tatak ng BIFF.

“It’s not far-fetched as (Lanao Del Sur is the operating area of) Maute Group and (Maguindanao areas) of the BIFF are near each other. There are also Maute Group members living in Maguindanao and that could be their connection,” paliwanag ni Lorenzana.

Mariin namang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa Police Regional Office (PRO)-8 ang masusing imbestigasyon upang kaagad na madakip ang mga suspek sa pambobomba sa Hilongos.

“Pursue/arrest the perpetrators, especially so it is connected with our campaign against illegal drugs. Let’s be vigilant because this is a hard war,” sinabi ni Duterte kay PRO-8 Director, Chief Supt. Elmer Beltejar.

Blangko pa rin ang pulisya sa insidente. (PNA at Nestor L. Abrematea)