Sa Marso 2017, Fire Prevention Month, balak magbukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Bureau of Fire Protection (BFP) ng Marine Fire Station sa Pasig River na reresponde sa mga sunog sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Officer-In-Charge (OIC) at General Manager Tim Orbos, dalawa sa 11 ferry boat ang gagamitin ng mga bombero na ide-deploy naman sa Pinagbuhatan, Pasig City at sa Plaza Mexico sa Maynila.

Sa ngayon ay wala pa umanong final assessment kung magkano ang gugugulin sa naturang proyekto at nakahanda naman umanong tumulong ang BFP dito.

Ayon kay Senior Supt. Wilberto Neil Kwan Tiu, pinuno ng BFP-National Capital Region, ang Marine Fire Station ay makatutulong sa mabilis na pagresponde sa sunog na malapit sa ilog kung saan madalas na problema sa pagresponde ang makikipot na daan at matinding traffic.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Aniya, kapag nagsimula na ang operasyon ng ferry boats firefighter, makakapag-supply na ng tubig sa mga fire truck na nakaparada malapit sa ilog. (Bella Gamotea)