NAGWAWAGI ang gobyerno sa pakikidigma laban sa ilegal na droga, ayon kay DoJ Secretary Vitaliano Aguirre III.

Inihayag niya ito sa press conference na binuo ng kanyang departamento pagkatapos madiskubre at salakayin ng NBI ang shabu laboratory sa San Juan. Nakuha rito ang 890kg high grade shabu na nasa plastic bag na may tatak na pulang dragon. Nagkakahalaga raw ito ng P5.5 bilyon. Ilan nang laboratory ang nadidiskubre ng mga pulis at ahente ng NBI sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ang ilan ay malaki rin tulad ng nasa San Juan.

May kakayahan pala ang mga alagad ng batas na makita ang mga pagawaan ng mga ilegal na droga, bakit hindi muna ito ang pagtuunan ni Pangulong Digong? Desidido rin naman siyang pumatay, bakit hindi ang mga gumagawa ng droga at protektor ng mga ito ang kanyang iniutos sa mga pulis na patayin kung sakali mang manlaban sila at malagay sa panganib ang kanilang kaligtasan?

Sa nangyayari ngayon, wala pa namang naiulat na napatay ang mga pulis, o kaya NBI, ng mga operator at protektor ng shabu laboratory. Katunayan nga, bihira pa sa kanila ang nahuhuli. Kung inumpisahan sana ng Pangulo ang kanyang kampanya laban sa droga sa mga laboratoryong gumagawa nito, wala nang napapatay, o kung mayroon man, ay bihira, nawawasak pa niya ang pinagmumulan nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang pinakamalaking problema ay sinimulan niyang ilunsad ang operasyon laban sa tulak at gumagamit ng droga. Para bang sinasabi niya na mapupuksa ang droga kapag naubos mo ang mga ito. Mayroon, kahit paano, na hahalili sa kanila kapag patuloy na may laboratoryong tulad ng nasa San Juan na gumagana at gumagawa ng tone-toneladang shabu. Kaya ang naging bunga, marami nang namatay at pinatay na sangkot sa droga. May mga nakasuot ng maskara o bonnet na pumapatay, sumasabay sa kampanya laban sa droga. Ang mga ito at mga pulis na umano ay nagsasagawa ng police operation ay pinapasok at binabaril ang kanilang mga biktima kahit sila ay natutulog na sa kanilang barung-barong sa piling ng kanilang mahal sa buhay.

Kahit ipagkaila ni Pangulong Digong, ang pagpatay, sa sistema, pamamaraan at dahilan nito, ay polisiya ng gobyerno.

Sa mata ng Diyos, maging sa taktika at estratehiya ng labanan ay napakalaking pagkakamali ito. Inuugat ang problema, laboratory, operator at protektor nito ang pinupuksa sa paraang idinidikta ng batas. Mapalad nga ang mga ito dahil nakalulusot sila sa mga sumalasakay sa kanila dahil may nagti-tip sa kanila, o kaya kapag sila ay nadakip, nililitis sila. (Ric Valmonte)