Magsasagawa ng kani-kanilang mga torneo ang iba’t-ibang sports na naitsapuwera sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-21.

Ito ang napag-alaman mismo kina Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) president Jonne Go at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at Grandmaster Jayson Gonzales kung saan ang kanilang mga sports ay hindi kabilang sa paglalabanan sa susunod na taon na biennil meet.

“Iyung regional federation namin has decided na magkakaroon ng tournament dahil nga hindi kami isinali sa SEA Games.

Napag-usapan din doon na ila-lobby ng organisasyon na dapat ay laging kasama ang chess sa kahit na anuman na major international multi-sports competition,” sabi ni Gonzales.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We will also have our own tournament weeks after the Malaysia SEA Games,” sabi naman ni Go.

Ilan sa sports na nawala sa huling SEAG sa Singapore ang isasagawa naman ngayon sa Kuala Lumpur kasama na rin ang cricket, track cycling, futsal, ice hockey, ice skating, karate, lawn bowl, muay at men’s weightlifting.

Kapalit ito ng mga sports na isinagawa sa Singapore subalit hindi naman lalaruin sa 2017 Kuala Lumpur SEAG tulad sa canoeing, floorball, rowing, softball at traditional boat race. (Angie Oredo)