Tinawag ng kamatayan ang mga natatanging political figure noong 2016, kabilang na ang revolutionary leader ng Cuba, matagal na hari ng Thailand, kasama ang tinitingala sa ibang larangan.

Niyakap ang Soviet-style communism, nalagpasan ni Fidel Castro, pumanaw nitong Nobyembre, ang pagkakakulong at pagpapatapon upang maging lider ng Cuba at sinuway ang kapangyarihan ng United States sa bawat pagkakataon sa loob ng kalahating siglo niyang pamumuno. Ang pagkamatay niya ay kapwa iniyakan at ipinagdiwang sa Western Hemisphere.

Gayunman, sinalubong ng pagkagulat at hinagpis ang pagkamatay ng ilang higante sa pop music. Si David Bowie, na binasag ang mga hangganan sa musika sa kanyang musicianship at striking visuals; si Prince, na itinuturing na isa sa most inventive at maimpluwensiyang musikero ng modernong panahon; at si George Michael, ang teenybopper heartthrob na naging mature solo artist sa mga video na pinatingkad ang kanyang appeal.

Isa sa political figures na namayapa sa 2016 ay ang world’s longest reigning monarch: si King Bhumibol Adulyadej, tinitingala sa Thailand na parang diyos, itinuturing na ama at angkla ng katatagan sa loob ng maraming dekada ng kaguluhan.

National

Lone bettor panalo ng ₱107.8M sa Lotto 6/42

Ang iba pang namaalam sa mundo ng public affairs ay kinabilangan nina dating United National Secretary-General Boutros Boutros-Ghali, U.S. Supreme Court Justice Antonin Scalia, ex-senator at astronaut John Glenn, dating U.S. Attorney General Janet Reno, dating Israeli leader Shimon Peres at dating U.S. first lady Nancy Reagan.

Sa sports arena, nasaksihan ang paglisan ng legendary boxer na si Muhammad Ali, basketball player na sina Dwayne “Pearl” Washington at Nate Thurmond, wrestler na sina Harry Fujiwara at Chyna, at mixed martial arts fighter na si Kimbo Slice.

Sa artists at entertainers, pumanaw ang author na si Harper Lee, conductor na si Pierre Boulez, musikerong sina Leonard Cohen, Merle Haggard, Maurice White, Frank Sinatra Jr. at Phife Dawg, at mga aktor na sina Gene Wilder, Abe Vigoda, Florence Henderson, Alan Rickman, Robert Vaughn, Garry Shandling, Doris Roberts, Alan Thicke, Fyvush Finkel at Anton Yelchin.

Hindi nagpatawad ang huling linggo ng taon, binawian ng buhay ang author, actress at stand-up comedian na si Carrie Fisher, sumikat bilang si Princess Leia sa orihinal na “Star Wars” at — nang sumunod na araw — ng kanyang inang si Debbie Reynolds, minahal sa pelikulang “Singin’ in the Rain’ at iba pang Hollywood classics. (AP)