Umakyat na sa 116 ang bilang ng mga nabiktima ng paputok na naitala ng Department of Health (DoH), simula Disyembre 21 hanggang kahapon.
Nilinaw ng DoH na mas mababa pa rin ang naturang bilang ng 71 kaso o 38 (%) porsiyento kumpara sa 187 naitalang firecracker-related injuries sa parehong panahon noong 2015.
Mahigit kalahati ng mga biktima o 63% ay mula sa National Capital Region (NCR), at nagkakaedad ng tatlong taon hanggang 62-anyos. Ang 108 sa kanila ay lalaki habang 89 ang bata. Ang 115 ay nasugatan habang isa ang nakalunok ng paputok. (Mary Ann Santiago)