Mahigit 800 kumpanya sa bansa ang binigyan ng go-signal ng Department of Labor and Employment (DoLE) upang ipagpatuloy ang paggawa at pagbebenta ng paputok at pyrotechnics kahapon.

Ito ay makaraang ipag-utos ni DoLE Secretary Silvestre Bello III ang pagbawi sa work stoppage order (WSO) para sa karagdagang 331 kumpanya ng paputok sa Central Visayas at Negros Island Region kasunod ng auditing ng mga regional office ng kagawaran at ng iba pang ahensiya ng gobyerno.

Inihayag ng DoLE nitong Miyerkules na binawi na nito ang mga WSO para sa 493 gumagawa at nagbebenta ng paputok at pyrotechnics.

Matatandaang inilabas ng kagawaran ang mga WSO kasunod ng dalawang insidente ng pagsabog sa mga pagawaan ng paputok sa Bulacan na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng 30 iba pa noong Oktubre. (Samuel P. Medenilla)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente