GAGANAP bilang bulag na contestant sa “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime ang bida ng naging top-rater na May Bukas Pa na si Zaijian Jaranilla sa handog ng Maalaala Mo Kaya ngayong New Year’s Eve.

Bago pa man nakilala bilang “Blind Balladeer of Bacolod,” nasa puso na ni Carl (Zaijian) ang musika. Bata pa lamang, alam na niya ang taglay niyang galing sa pagkanta, kaya nangarap siyang maging sikat na mang-aawit balang araw.

Ngunit hindi ito naging madali para sa kanya, dahil sa tuwing may pagkakataon na dumating ay palagi siya nabibigo.

Ang pagkanta rin niya ang naging dahilan kung bakit nagagamit at naloloko siya ng ibang tao lalo na sa pera. Dahil dito, unti-unting nawalan ng pag-asa si Carl na ipagpatuloy ang kanyang pangarap.

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

Panoorin sa Maalaala Mo Kaya bukas kung paano manunumbalik ang pagmamahal ni Carl sa pagkanta na siyang nagdala sa kanya sa entablado ng “Tawag ng Tanghalan”.