michael-jordan-copy

KABILANG ang mga golfer na sina Tiger Woods at Phil Mickelson at dating NBA player na si Michael Jordan sa 20 wealthiest American celebrities, ayon sa ulat ng Forbes nitong Miyerkules.

Si Woods, 40, ang pinakabata sa top-20 list ng Forbes, sa net worth na tinatayang nasa $740 million.

Ang 14-times major champion, na sumusunod lamang kay Jack Nicklaus (18 majors) sa all-time list, ay bumalik sa kompetisyon pagkaraan ng mahigit 15 buwang pamamahinga dahil sa back surgery.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Si Woods, na dumaan sa magastos na divorce noong 2010 at nawalan ng maraming sponsors simula nang mabunyag ang ilang beses niyang pagtataksil sa asawa, ay ikapito sa listahan.

Ika-18 naman si Mickelson sa tinatayang kayamanang umaabot sa $375 million.

Si Jordan, 53, na nagretiro noong 2003 bilang greatest basketballer, ay mayroong $1.2 billion yaman, ayon sa magazine. Pang-apat siya sa listahan, na pinangunahan ng filmmaker na si George Lucas ($4.6 billion).

Sinabi ng Forbes na ang eligibility para makapasok sa listahan ay limitado sa mamamayan ng United States na yumaman dahil sa kanilang kasikatan, sa halip na pagsikat dahil sila ay mayaman.

Ayon sa Forbes, si President-elect Donald Trump ay kabilang sa huling kategorya. (Reuters)