UFC 207 Mixed Martial Arts

LAS VEGAS (AP) — Tumuntong sa timbangan si Ronda Rousey nang walang kibo, habang nagdiriwang ang mga tagahanga. Bago bumaba sa stage, tinapunan muna ng masamang tingin ang UFC bantamweight champion na si Amanda Nunes.

Puno nang galit at paghihinganti ang mga mata ni Rousey nang lisanin ang T-Mobile Arena, isang pahiwatig sa marubdob na pagnanais na muling pagharian ang octagon sa isa pang pagkakataon.

Balik-aksiyon ang dating walang talong si Rousey bilang challenger sa titulo na tangan ni Nunes sa Sabado (Linggo) sa Manila.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Tangan ang 12-1 karta, hindi maitatanggi na si Rousey ang pinakadominante at pinakapopular na babaeng MMA fighter sa kasaysayan ng UFC bago ito naagawan ng korona sa hindi inaasahang kabiguan kay Holly Holm may 13 buwan na ang nakalilipas.

Ngayon, nagbabalik ang reyna at inaasahang mas malupit ang dating Olympic judo champion.

Ang pagbabalik ni Rousey laban kay Nunes (13-4) ang main event ng promosyon na tradisyunal na nagtatampok ng laban ng kalalakihan.

“I’m not sure how it’s going to be, but she could do a lot of things,” pagaamin ni Nunes. “Nobody knows, but I know I’m going to be ready. We will see about her.”

Huwag nang tanungun si Rousey na minabuting manahimik sa kabuuan ng promosyon kung saan tumanggi itong dumalo sa media conference para sa laban. Tila alam ni Rousey na kahiot hindi niya i-promote ang laban, tiyak na tatabo sa takilya at pay-per-view ang pinakaaabangang comeback fight ng pamosong MMA fighter at Hollywood model.

Sinabi ni UFC president Dana White na hiniling ni Rousey na magkaroon ng ‘media blockout’ para sa kanyang laban, ngunit hindi niya ito pinagbigyan bunsod na rin sa malaking gastusin sa pay-per-view buy.

“It’s definitely not ideal,” sambit ni White. “It’s what she asked for.”

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Rousey sa pamamagitan ng kanyang Instagram.

“Looking forward to proving you all right tomorrow,” sambit ni Rousey.

“It’s going to be the happiest New Year ever.”