Magsasagawa ng special collection sa mga banal na misa ang Simbahang Katolika upang makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong ‘Nina’ at sunog sa Quezon City.
Ayon kay Rev. Father Anton Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila, nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya ng buong Archdiocese of Manila na magsagawa ng special collection sa mga Misa sa Linggo, Enero 1, 2017.
Ang malilikom na pera ay gagamitin ng simbahan sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Nina’ sa Camarines Sur, Catanduanes at Albay, gayundin sa mga nasunugan sa Quezon City. (Mary Ann Santiago)