IBAJAY, Aklan - Muling sinariwa ng mga residente ng Barangay Maloco sa bayang ito ang tradisyong tinatawag na “Yawa Yawa” o anyong demonyo.
Ayon sa mga residente, isinasagawa ang Yawa Yawa tuwing Disyembre 28 bagamat hindi malinaw sa kanila kung kailan at paano ito nagsimula.
Batay sa nasabing tradisyon, magko-costume ng anyong demonyo ang ilang residente sa Bgy. Maloco at magbabahay-bahay para manghingi ng pagkain o pera.
Kapag walang tao sa bahay na natapatan, kukunin ang anumang maaaring makita sa bahay, halimbawa ay sampayan.
Tutubusin naman ito ng may-ari sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain o kahit magkanong halaga ng pera.
Enjoy naman ang mga residente sa Yawa Yawa at ang ilan ay nakipag-selfie pa kasama ng mga naka-costume.
(Jun N. Aguirre)