MOSCOW (Reuters) – Sinabi ng tagapagsalita ni Russian President Vladimir Putin nitong Huwebes na ang pagpataw ng mga panibagong parusa ng US laban sa Russia ay makasisira sa relasyon ng Moscow at Washington.

Sinabi ni Dmitry Peskov na ipag-uutos ni Putin ang “appropriate” na paghihiganti sa mga sanction, na kinabilangan ng pagpalayas 35 diplomat. Isinara rin ng Washington ang dalawang Russian compound sa New York at Maryland bilang tugon sa tinawag nitong campaign of harassment ng Russia laban sa mga American diplomat sa Moscow.

Sa conference call kasama ang mga reporter, sinabi ni Peskov na duda ang Moscow na magiging epektibo ang hakbang dahil pababa na ang kasalukuyang administrasyon ng US.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'