sanya-mommy-at-rocco-copy-copy

PINASAYA nina Rocco Nacino at Sanya Lopez ang fans ng kanilang love team na nabuo sa Encantadia sa ipinost ng aktor sa Instagram na picture nilang dalawa kasama ang mom niya.

Naaliw ang mga nakabasa sa caption niyang, “At nagkita na ang Sang’gre at ang mother.”

May mga nagtanong kung ano ang gustong tukuyin ni Rocco sa caption, pero hindi pa siya sumasagot. Busy pa siguro sa pagbabasa ng comments ng mga kinikilig na fans nila si Sanya.

ALAMIN: Magkano ang mawawala kada araw sakaling matuloy ang ‘no remittance week?’

Ang sunod na gustong malaman ng fans ay kung nagpalitan sila ng regalo last Christmas at kung ano ang regalo nila sa isa’t isa.

Nakatutuwa ang imagination ng ibang fans nina Rocco at Sanya, ipinakilala raw ng aktor ang kapareha sa Encantadia sa kanyang ina. Lalo tuloy minahal si Rocco ng fans nila ni Sanya.

Anyway, iniinggit ni Rocco ang Encantadiks nang i-post ang Encantadia merchandise na nakapangalan sa karakter niya sa fantaserye na Aquil. Sa January 2017 pa magiging available ang merchandise na noong airing pa ng original na Encantadia hininintay ng fans. (Nitz Miralles)