Pormal nang sinampahan ng mga kongresista ng kaso sa Department of Justice (DoJ) ang dating driver-bodyguard ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan dahil sa pag-isnab nito noon sa summon ng Kamara kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).
Ang reklamo ay inihain nina House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rodolfo Fariñas kasama sina House committee on justice chairman at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.
Matatandaang hindi sinipot ni Dayan, at kalaunan ay nagtago na, ang imbitasyon ng Kamara kaugnay ng pagdinig noong Setyembre 28 at Oktubre 6 tungkol sa drug trade sa Bilibid.
Nobyembre nang madakip si Dayan at kalaunan ay humarap sa imbestigasyon ng Kamara tungkol sa usapin. (Beth Camia)