NAKIKIUSAP ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga may-ari ng sinehan na magdagdag ng apat na araw sa pagpapalabas ng mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Inihayag ni Tim Orbos, MMDA officer-in-charge, ang panawagan ng publiko na mapahaba ang pagpapalabas sa mga sinehan ng walong pelikulang kalahok sa taunang pista ng pelikulang Tagalog.

“We will write a formal letter addressed to threater owners to give consideration and give additional days for public to watch the MMFF entries,” ani Orbos.

Nagsimula ang festival noong Disyembre 25 na tatakbo lamang sa loob ng sampung araw o hanggang sa Enero 3, apat na araw na mas maiksi kumpara sa 14 na araw na nakasanayan o hanggang Enero 7 na sinusunod sa mga nagdaang taon.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“It is incumbent upon us to request for additional screening days,” saad ni Orbos, na pinabulaanan ang bali-balita na ang mga film producer ang umaapela ng extension at hindi ang publiko.

Ayon kay Orbos, kumikita ang festival ng 30 porsiyento kumpara sa kinita ng festival noong nakaraang taon bagamat hindi siya nagbigay ng aktuwal na datos. Noong nakaraang taon, kumita ang MMFF ng halos P1 billion sa ticket sales.

“We are expecting to reap higher earnings in the coming days as many Metro Manila residents are still on vacation.

With the possible extension, why don’t we give them a chance to watch,” aniya.

Dahil sa hindi pagkakasama ng malalaking blockbuster movies sa festival, inaasahan nang mas mababa ang box-office sales ngayong taon. (ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)