Disyembre 30, 1922 nang magsanib-puwersa ang Russia, Belorussia, Ukraine, at ang Transcaucasian Federation para itatag ang Union of Soviet Socialist Republics (USSR). Kilala rin bilang Soviet Union, ang bagong komunistang estado ang unang bansa sa mundo na ibinatay sa Marxist socialism, kasunod ng Russian Empire. Isinagawa ang pormal na proklamasyon nito sa Bolshoi Theatre sa Moscow.
Kontrolado ng Communist Party at politburo (policymaking committee) nito ang lahat ng antas ng gobyerno sa USSR.
Pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng estado ang Soviet industry; at binubuo ng state-run collective farms ang mga lupang sakahan.
Makalipas ang ilang dekada, naging isa sa mga pinakamakakapangyarihan at pinakamaiimpluwensiya sa mundo ang Soviet Union na dominado ng Russia, at kalaunan ay binuo ng 15 republika. Gayunman, kasunod ng pagbagsak ng gobyernong komunista nito noong 1991, nabuwag ang Soviet Union.