UNITED NATIONS, United States (AFP) – Hinimok ng mahigit isandosenang Nobel laureate noong Huwebes ang United Nations na wakasan ang ‘’human crisis’’ ng Rohingya minority group sa Myanmar, na ang mga miyembro ay tumatakas patungong Bangladesh upang makaligtas sa madugong paglalansag ng militar.

Sa bukas na liham sa UN Security Council, sinabi ng 23 Nobel laureate, politiko, pilantropo at aktibista na ‘’a human tragedy amounting to ethnic cleansing and crimes against humanity is unfolding in Myanmar.’’

Binatikos nila ang lider ng bansa na si Aung San Suu Kyi -- isa ring Nobel Peace Prize winner -- sa hindi pagkilos para protektahan ang mga Rohingya.

‘’We are frustrated that she has not taken any initiative to ensure full and equal citizenship rights of the Rohingyas,’’ sabi ng grupo.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture