hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na ipanalangin ang kapayapaan sa Bagong Taon.
Sa kanyang mensahe sa New Year, sinabi ni Tagle na ang bagong taon sa Simbahang Katolika ay paggunita kay Maria bilang ina ng Diyos na prinsipe ng kapayapaan.
“Happy New Year po, isang mabiyaya at masaganang Bagong Taon,” ani Tagle.
“Ang bagong taon ay pananalangin para sa kapayapaan. Ano ba ang kapayapaan? Hindi lamang po kawalan ng gusot, ang kapayapaan ay kung nasaan ang katotohanan, katarungan, tunay na paggalang sa buhay at dignidad ng kapwa-tao, tunay na kalayaan at pagmamahalan.
“Kaya manalangin po tayo sa taong ito at ating isalalay sa kamay ng mahal na ina na nagbigay sa atin ng hari ng kapayapaan ang taong darating,” aniya pa. (Mary Ann Santiago)