PALAPIT na nang palapit ang Bagong Taon. Excited na ang lahat para magdiwang at magpaputok ng fireworks o kaya naman ay mag-ingay gamit ang torotot, pero dapat tandaan na para sa mga alagang hayop ay hindi ito ang pinakamasayang araw sa kanila.
Ito ang ilang tips para maiwasang ma-stress ang mga alagang pet sa pagsalubong sa Bagong Taon:
*Siguraduhing nasa loob lamang ng bahay ang mga alaga upang maiwasan ang pagtakbo palayo ng mga ito kapag nagsimula na ang putukan.
*Gawan ng isang lugar na magsisilbing santuwaryo o lungga ng alaga para doon magpahinga o magpalipas ng oras hanggang sa matapos ang selebrasyon. Siguraduhing komportable ito at malayo sa pinagmumulan ng ingay.
*Magtanong sa inyong mga veterinarian ng anti-axiety prescription na magpapakalma sa mga alaga sa oras ng pagdiriwang.
*Makatutulong din ang pagpapatugtog ng nakaka-relax na music upang pakalmahin ang alaga.
*Bigyan ng mga laruan ang alaga na magiging libangan at maglalayo sa isip sa ingay ng paputok.
*Ugaliin ang pag-exercise o pakikipaglaro sa mga alaga habang hindi pa nagsisimula ang pagdiriwang upang hindi mabigla ang mga ito kapag nagsimula na ang ingay.
*Bigyan ng maiinom na tubig ang mga alaga.
*Lagyan ng palatandaan o tag ang mga alaga upang madaling matukoy kung sakaling makalabas ng bahay.
(Source: www.petmd.com) (DIANARA T. ALEGRE)