INDIANA (AP) – Pinagmulta ng NBA sina Indiana Pacers forward Paul George at head coach Nate McMillan nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) bunsod nang pagbatikos sa mga opisyal ng liga matapos kabiguang natamo sa Chicago nitong Lunes.

Kinastigo si George sa multang $15,000, ngunit hindi ito naging daan para itigil niya ang pagkadismaya sa aniya’y palpak na tawagan ng mga referee.

"I've been fined multiple times," pahayag ni George.

"Since I've been in this jersey we've always fought this battle," aniya. "Maybe the league has teams they like so they can give them the benefit of the doubt. We're the little brother of the league. We're definitely the little brother of the league."

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Tumapos si George sa naiskor na 14 puntos.

Ang ikinairita ni George at McMillan ay ang ‘no calls’ sa Pacers star na nakatira lamang sa free throw ng isang beses.

“They’ve got to give us more respect,” sambit ni McMillan, pinagmulta ng US$10,000.

“Paul shot one free throw the entire game, played 39 minutes. This is the second game where he’s getting a lot of grabbing, a lot of holding.

“They (opponents) are getting away with a lot of grabbing on Paul. They (officials) have got to call the game both ways.”

Ipinahayag ang multa ni NBA executive vice president Kiki VanDeWeghe.