KAHIT papaano’y nagliwanag ang pagsulyap ng mga Catandunganon sa hinaharap sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanilang probinsiya matapos itong bayuhin ng bagyong ‘Nina’ nitong Pasko.

Personal silang pinuntahan ni Pangulong Duterte at nakidalamhati at hinikayat na kalimutan ang nangyari.

Sinabi sa akin ng kaibigan kong Catandunganon na labis nilang ikinagalak ang pagbisita ng pangulo sa Catanduanes dahil bihira itong bisitahin ng mga presidenteng tulad niya.

Tuluyan nang nilisan ng Nina ang bansa ngunit libu-libong pamilyang Pilipino ang naapektuhan sa masaya sanang pagdiriwang ng Pasko; libu-libo ang na-stranded sa kani-kanilang biyahe at hindi nakapag-Noche Buena dahil sila’y nasa evacuation centers.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa halip na malungkot at magmukmok sa nangyaring unos, gamitin natin ang mga alaala ng trahedya upang bumangon at lumaban sa hinaharap.

Unang tumama ang Nina, na halos kasing-lakas ng bagyong ‘Yolanda’ sa Bato Catanduanes, at nag-landfall sa Bicol, Southern Tagalog, Mimaropa at Eastern Visayas sa loob ng 24 oras.

Katakut-takot na imprastruktura, transport facilities, pananim, at bahay ang nawasak. May mangilan-ngilan ding namatay.

Taglay ang lakas na hangin na umabot sa 130 kph at may pabugso-bugsong 215 kph, pinutol din ng Nina ang mga linya ng kuryente sa mga probinsiya nitong Pasko at ng mga sumunod na araw.

Ang labis na naapektuhan sa Bicol ay ang southern Catanduanes kung saan may nangyaring pagguho ng lupa sa mga highway, gayundin sa Camarines Sur.

Ang nakagugulat, ayon sa mga local official sa ilang probinsiya, kung hindi pa sila pipiliting lumikas sa evacuation center, marami sa ating mga kababayan ang tumangging hindi ipagdiwang ang Pasko sa kani-kanilang bahay matapos salantain ng bagyong Nina.

Nang sumunod na mga araw, sa kabila ng pag-ulan at malakas na hangin, marami ang nagtungo sa kanilang mga bahay at labis na ikinalungkot ang kanilang nakita.

Ngayong wala nang bagyo at walang inaasahang papasok na panibagong bagyo sa ating bansa, kinakailangan pagtuunan ng pansin ang pag-iwas ng pagkalat ng iba’t ibang klase ng sakit, rehabilitasyon sa mga nasirang imprastruktura at pagkalinga sa mga biktima. Kabilang sa mga ahensiya na tumutulong sa mga sinalanta ay ang Departments of Health (DoH), Public Works and Highways (DPWH), Social Welfare and Development (DSWD) at Agriculture (DA). (Johnny Dayang)