HINDI pa man nag-iinit sa kanyang posisyon bilang executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang dati kong kasamahang mamamahayag na si Joel M. Sy Egco, ngayon ay isa nang undersecretary, ay isang malaking hamon na agad ang kinakaharap ng kanyang tungkulin – ang malutas sa lalong madaling panahon ang kaso sa pagpatay kay Larry Sy Que, ang unang miyembro ng “Fourth Estate” na napatay sa administrasyong ito ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Si Que, isang bagong-sibol na publisher-kolumnista sa Bicol, ay pinagbabaril hanggang sa napatay ng mga armadong lalaki na magkaangkas sa motorsiklo sa may harapan ng gusali ng Land Transportation Office (LTO) sa Barangay San Isidro, Virac, Catanduanes noong Disyembre 19, 2016 – ito ay sa panahong mainit niyang tinutuligsa sa kanyang kolum, sa sarili niyang pahayagan, ang kawalang aksiyon umano ng mga pinuno ng pamahalaang lokal sa naturang lalawigan sa paglaganap ng droga, kahit na nasa kainitan pa ang kasalukuyang kampanya ng Philippine National Police (PNP).

Malabo pa kung ano ang motibo sa pagpatay kay Que, mahirap ding pangunahan natin ang mga imbestigador sa pagsasabing ito ay may kaugnayan sa kanyang trabaho dahil kasalukuyan pa rin daw silang nangangalap ng mga testigo, dokumento at mga karagdagan pang ebidensiyang makatutulong sa ikalulutas ng kaso.

Walang kaduda-dudang malulutas agad ng mga awtoridad ang kasong ito ni Que, mas lalo pa sa ngayong may PTFoMS na gagabay sa takbo ng imbestigasyon ng mga pulis – dati rin naman kasing pulis, este pulis reporter itong si Usec Joel Egco, kaya nasisiguro kong hindi siya basta-basta mapapaikot ng mga imbestigador, kung may magbabalak man ng ganito sa kaso.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mas nakababata sa akin bilang mamamahayag itong si Joel nang makasama ko siya sa Defense Beat sa Camp Aguinaldo, at dito ay kinakitaan ko na siya ng katapatan, kasipagan at kakaibang pagmamahal sa trabaho na bihira mong makita noon sa mga kasabayan niyang reporter. Nang mahalal si Joel bilang pangulo ng National Press Club (NPC), napagbuklud-buklod niya ang iba’t ibang grupo ng mamamahayag na sa mahirap na maipaliwanag na mga dahilan ay pansamantalang nagkahiwa-hiwalay ng landas – ngunit muling nagpanagpo sa NPC sa maikling panahon ng kanyang panunungkulan.

At hindi lang ito ang inaasahan kong malulutas ng PTFoMS sa ilalim ni Usec Joel – nasisiguro kong makaraan ang mahabang paghihintay ng mga pamilyang naulila ng may 32 mamamahayag na naging biktima ng Maguindanao Massacre noong 2009, ay makakakita na rin sila ng liwanag sa kaso ng mga nawala nilang mga mahal sa buhay --makukuha na rin nila ang mailap na hustisyang ‘di nila nakamit noong nakaraang administrasyon. Harinawa.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)