Binuksan na sa publiko ang Cavitex at Skyway connectors ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx), sinabi kahapon ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sa pagbubukas ng Ramps 1 at 2 ng NAIAx ay mababawasan ng hanggang 40 porsiyento ang oras ng biyahe.

“Considering the flight cancellations due to typhoon ‘Nina’ and the expected number of passengers using our airports at the height of the holiday season, we want to make sure that all possible opportunities are maximized to ease traffic flow,” ani Villar.

Ang Ramps 11 at 12 ng NAIAx Christmas Lane ay bahagi ng NAIAx road network na nag-uugnay sa Macapagal Boulevard at Pagcor Entertainment City sa tatlong terminal ng NAIA at sa Skyway.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Binuksan kamakailan ng DPWH ang Christmas Lane ng NAIAx na nag-uugnay sa Entertainment City at Diosdado Macapagal Boulevard sa NAIA 3 at Skyway. Libre ang toll dito hanggang Enero 21, 2017. (Argyll Cyrus B. Geducos)