Pinahintulutan ng Sandiganbayan si dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na madalaw ang kanyang ama sa Saint Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali kahapon ang ibinigay na permiso ng Sandiganbayan para madalaw ng batang Revilla ang amang si dating Sen. Ramon Revilla Sr.
Pinayagan din si Revilla na muling mabisita ang ama sa Disyembre 31 at Enero 1, mula 12:00 ng tanghali hanggang 8:00 ng gabi. (Jun Fabon)