Handa na sa operasyon at monitoring na gagawin ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base kaugnay ng posibleng insidente ng sunog at pagsisilab ng gulong sa Metro Manila simula bukas, Disyembre 31, hanggang sa Enero 1, 2017.

Ito ang inihayag kahapon ni MMDA OIC General Manager Tim Orbos batay sa napagkasunduan sa pulong ng BFP at Department of Health (DoH) sa tanggapan ng MMDA sa Orense, Makati City.

Maglalagay ang BFP-National Capital Region (NCR) ng equipment sa loob ng MMDA Metro Base para sa isasagawang monitoring.

Paiigtingin din ang fireman’s visibility sa Metro Manila bukas at kukumpiskahin ang mga ilegal na paputok at depektibong Christmas light na kabilang sa mga pinagmumulan ng sunog.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa unang pagkakataon, maglalagay ng Marine Fire Station ang MMDA sa Pasig River, na isa hanggang dalawang ferry boat ang nakaistasyon, at mayroon ding nakatalagang BFP personnel.

Kasabay nito, naka-code white alert na rin ang DoH para naman sa mga mabibiktima ng paputok. (Bella Gamotea)