NAAAWA ang maraming tagasubaybay ng Alyas Robin Hood sa character na ginagampanan ni Andrea Torres bilang si Venus.
Pagkatapos kasing umamin ng kanyang tunay na nararamdaman kay Pepe (Dingdong Dantes), at nagmistulang may namumuo nang pagtingin ang binata sa kanya, pigil pa rin ang damdamin ni Pepe na hindi pa makalimutan ang una nitong pag-ibig na si Sarri (Megan Young).
Tila moving on agad ang peg ng dalaga at sabi ng netizens ay sasalubungin niyang sawi ang New Year.
Mukha namang hindi nag-iisa si Venus dahil nag-trending ang naturang episode, kaya marami ang nagpahatid ng suporta at pagmamahal sa kanya. So, Venus, huwag ka nang malungkot.