LUBOS ang pasasalamat ng ABS-CBN sa isa na namang taon kasama ang mga pamilyang Pilipino na patuloy na tumututok sa Kapamilya Network para sa impormasyon at entertainment.

Muli, naging bahagi ng araw-araw na panonood ng mga Pilipino ang ABS-CBN, na nakakuha ng average audience share na 45% sa buong bansa sakop ang urban at rural homes, lamang ng mahigit 11 puntos sa 34% ng GMA Network ayon sa Kantar Media national TV ratings data mula 1 Jan hanggang 15 Dec 2016.

Bukod sa matataas na TV ratings, nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa natanggap na awards ngayong taon, sa pagdagsa ng tao sa mga event tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano thanksgiving concert at ABS-CBN Christmas special sa Araneta Coliseum, at sa patuloy na lumalawak na panonood sa mga palabas ng ABS-CBN online sa iWant TV, SKY on Demand, at TFC.tv

Nanguna sa mga programang pumukaw sa damdamin ng madla ang FPJ’s Ang Probinsyano, na nag-average ng national TV rating na 40.3%. Sa mga karanasan ni Cardo, na ginagampanan ni Coco Martin, naipapalaganap ang pagmamahal sa pamilya at bayan at ang kagandahang asal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Patuloy na sumasalamin sa buhay at values ng mga Pilipino ang iba pang teleserye at drama program ng ABS-CBN tulad ng Pangako Sa’ Yo nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Dolce Amore nina Enrique Gil at Liza Soberano, Magpahanggang Wakas nina Jericho Rosales at Arci Munoz, The Story of Us nina Kim Chiu at Xian Lim, Born for You nina Elmo Magalona at Janella Salvador, Be My Lady, nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales, at Till I Met You nina James Reid at Nadine Lustre.

Sinundan din ng mga Pilipino ang mga serye sa hapon na Doble Kara, Tubig at Langis, at The Greatest Love na nagbibigay diin ang pagpapahalaga sa pamilya, kasal, at pagmamahal ng isang ina pati na rin ang weekend drama anthology na MMK na nagtampok ng tunay na buhay ng mga Pilipinong nagpamalas ng tatag, tapang, at tiyaga sa pagharap sa iba’t ibang hamon.

Kinapulutan din ng nabubuting aral ang mga programang Super D at Wansapanataym, saya at galak ang hatid ng Goin’ Bulilit, nagtuturo tungkol sa kalikasan, kultura, sining, at pamilya ang bagong educational show na Oyayi at bagong role model naman para sa mga bata ang tulad nina Onyok at Awra ng FPJ’s Ang Probinsyano, at ang mga batang bida ng Langit Lupa.

Ang mga game, variety, at reality program naman ang nagbubuklod sa bansa habang sinusubaybayan ang paghubog ng talento at pag-abot ng pangarap ng mga kapwa Pilipino sa It’s Showtime, ASAP, Minute to Win It, The Voice PH, The Voice Kids, Dance Kids, Pilipinas Got Talent, I Love OPM, We Love OPM, at Celebrity Playtime.

Kasa-kasama rin sila sa kuwentuhan sa Magandang Buhay, Tonight With Boy Abunda, at Gandang Gabi Vice, at sa tawanan sa Banana Sundae at Home Sweetie Home.

Ang ABS-CBN News naman ang nanguna sa paghatid ng impormasyon at balita sa pananatili ng TV Patrol bilang numero unong newscast sa bansa at ang Pilipinas Presidential Debate 2016 (40.6%) ang nakapagtala ng pinakamataas na rating sa 2016. Libu-libong Pilipino rin ang paglingkuran sa mga public service events tulad ng DZMM Grand Kapamilya event at ABS-CBN News Christmas Family Fair.

Ayon pa sa Kantar data, 17 programa ng ABS-CBN ang pumasok sa Top 20 most-watched programs ng taon, at ang mga ito ay ang Pilipinas Presidential Debate 2016 (40.6%), FPJ’s Ang Probinsyano (40.3%), The Voice Kids (37.6%), Pangako Sa ‘Yo (34.3%), Dolce Amore (33.8%), Meron Akong Kwento Ang Himig ng Buhay Ko concert (32.9%), Pilipinas Got Talent (31.9%), Dance Kids (31.0%), MMK (30.9%), Wansapanataym (30.9%), TV Patrol (30.7%), Pinoy Boyband Superstar (30.0%), MMK 25th Anniversary (29.9%), Halalan 2016 Ang Huling Harapan (25.7%), Home Sweetie Home (25.3%), Magpahanggang Wakas (24.5%) at Goin’ Bulilit (23.4%).