CAPAS, Tarlac – Dalawa pang salvage victim ang natagpuan ng mga pulis sa Sitio Morales, Barangay Cutcut 2nd sa bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay PO3 Aladin Ao-as, ang mga biktima ay nasa 35-40 ang edad, nakasuot ng asul na maong striped short pants, itim na T-shirt at long sleeves.
Ginapos din ng GI wire ang mga kamay at paa ng mga biktima na nilagyan din ng placard sa katawan na nasusulatan ng “Babala: Huwag n’yo kaming tularan. Magkapatid mga drug pusher.”
Patuloy pang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga tauhan ng Capas Police para makilala ang dalawang salvage victim na pinaniniwalaang pinaslang dahil sa ilegal na droga. (Leandro Alborote)