Nanganak ng isang malusog na sanggol ang buntis na dinapuan ng Zika virus kamakailan, pagkukumpirma ng Department of Health (DoH).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial na ligtas na mula sa nasabing virus ang 16-anyos na ina mula sa Las Piñas City, gayundin ang kanyang sanggol, ngunit patuloy pa rin ang monitoring sa kalusugan ng mga ito.

“Under close surveillance and monitoring pa rin ‘yung ating mga patient because as we all know, this is a very new phenomena in our health systems,” ayon pa sa kalihim.

“We really don’t know when the manifestations will come out and how we will be developing in terms of the spurt of the Zika virus. Ang theory natin, because brain development is in the first and second trimester, kung medyo late in the pregnancy siya nagkaroon ng Zika, more or less safe na siya. But that’s still, even with the World Health Organization, that’s still being monitored,” ani Ubial.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Batay sa datos DoH, hanggang nitong Disyembre 28 ay may 52 kumpirmadong Zika na naitala sa iba’t ibang health facility sa bansa.

Ang mga pasyente ay nasa edad pito hanggang 59, at may median age na 32.

Sa naturang bilang, 34 o 52% ang babae, at apat sa kanila ang buntis. (Mary Ann Santiago)