Target ng Department of Health (DoH) ang “zero casualty” sa pagsalubong ng mga Pinoy sa Bagong Taon sa Sabado ng gabi.

Kaugnay nito, nananawagan si Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa mga lokal na pamahalaan at maging sa publiko na makipagtulungan upang maisakatuparan ito.

Ayon kay Ubial, karamihan sa fireworks-related injuries ay naitala sa National Capital Region (NCR), na may 45 kaso o 50% ng kabuuan sa buong bansa, na sinundan ng Region 6, na may 10 kaso (11%); at Calabarzon, na may siyam na kaso (10%).

Sa tala ng DoH simula Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga kahapon ay nasa 90 na ang firecracker-related injuries, ngunit nilinaw na mababa ito ng 39% sa kaparehong panahon noong 2015.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists