Nagpatiwakal ang isang security guard dahil sa umano’y kawalan ng panggastos sa nalalapit na Bagong Taon sa Malabon City.

Dead on the spot si Victor Calagano, 42, ng No. 9 Riverside Street, Barangay Potrero ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng cal. 38 sa kaliwang sentido.

Ayon sa kinakasama ng biktima, dakong 12:00 ng tanghali, iniwan niya si Calagano sa loob ng kuwarto at nagpunta siya sa kusina upang maghanda ng tanghalian.

“Nanonood po siya ng telebisyon nang iwan ko kasi nga wala pa kaming sinaing,” ayon sa kinakasama.

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Makalipas ang ilang minuto, nakarinig umano ito ng putok ng baril sa loob ng kuwarto kaya agad niyang sinilip ang mister.

Dito na tumambad ang duguang bangkay ng biktima at mabilis na humingi ng tulong sa pulisya ang babae.

Ayon sa mga kapitbahay, madalas umanong mag-away ang dalawa dahil sa kakulangan sa pera, lalo na ngayong nalalapit na ang Bagong Taon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga pulis kung may foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.

(Orly L. Barcala)