teri-malvar-copy

KUMPLETO na ang listahan ng limang kabataan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sa Kid’s Choice Awards ng 42nd Metro Manila Film Festival (MMFF). Kauna-unahan sa kasaysayan ng MMFF na nabigyan ng boses ang kabataan.

Mula sa Magic 8, limang pelikula lang ang pasok sa Kid’s Choice Awards: Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ng Quantum Films, Vince & Kath & James ng Star Cinema, Oro ng Feliz Film Productions, Saving Sally ng Rocketsheep Studios at Sunday Beauty Queen ng Voyage Studios.

Ang mga pelikulang nakakuha ng R-13 mula sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tulad ng Die Beautiful ni Jun Robles Lana, Seklusyon ni Erik Matti at Kabisera nina Arturo “Boy” San Agustin at Real Florido ay hindi bahagi ng kategoryang ito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang award-winning Kapuso teen actress na si Teri Malvar ang magiging jury chair ng Kid’s Choice Awards, makakasama niya sina Bien Miguel N. Lumbera, Kiah Leslie F. Dunne, Sean Paul Earnest G. Fabregas at Joshiann Audrielle O. Salazar.

Ang limang kabataang jury members ay obligadong panoorin ang limang pelikula kasama ng kani-kanilang magulang o guardians.

Ngayong umaga, magku- convene sila sa isang venue na itatalaga ng MMFF execom para mag-deliberate kung alin sa limang pelikula ang karapat-dapat tanghalin bilang Kid’s Choice awardee.

Ang awards night ng MMFF 2016 ay gaganapin mamayang gabi sa Kia Theater sa Cubao, simula ng alas-7 at dito na rin ihahayag ang napili ng mga kabataan para sa Kid’s Choice Awards. (Lito Mañiago)