Nagrereklamo ang mga residente ng Barangay Bagong Pag-asa sa Quezon City na tatlong araw nang hindi dumadaan ang mga truck na naghahakot ng basura, kayat umaalingasaw na ang kanilang kapaligiran.

Partikular na tinukoy ng mga residente ang LEG Hauling Services Corporation na nakakontrata sa Quezon City government upang maghakot ng basura sa lungsod.

Ayon sa mga residente, mula noong Lunes hanggang kahapon ay walang dumaan na truck ng mangongolekta ng basura sa San Roque 1 at 2, gayundin sa Agham Road.

Nanawagan sila sa lokal na pamahalaang ng QC na gumawa ng kaukulang aksyon laban sa naturang kumpanya upang hindi na maulit ang insidente.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang tiniyak ni QC-Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) chief Frederika Rentoy na “walang day off’ ang pangongolekta ng basura sa siyudad, lalo na mula Disyembre 25 hanggang Enero 1 dahil inaasahang mas maraming basura sa Kapaskuhan. (Rommel P. Tabbad)