HOBART, Australia (AP) — Nakamit ng Supermaxi Perpetual Loyal ang line honor mula Sydney hanggang Hobart yacht race matapos maitala ang record winning time nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Sa pangunguna ni skipper Anthony Bell, natawid ng Perpetual Loyal ang finish line sa Constitution Dock ng Hobart ganap na 2:30 ng umaga para makumpleto ang 630-nautical-mile race sa loob ng isang araw, 13 oras, 31 minuto at 20 segundo.
Nalagpasan ng Perpetul Loyal ang dating race record na apat na oras, 51 minuto, at 52 segundo na naitala noong 2012 ng karibal na supermaxi Wild Oats XI.
Nanguna ang Wild Oats XI sa kaagahan ng karera at nangangamoy na makuha ang line honor sa ikasiyam na pagkakataon, ngunit nagtamo ito ng problema sa makina nitong Martes dahilan para mapilitang umatras sa karera.
Naagaw ng Perpetual Loyal ang bentahe tungo sa tagumpay at makabawi sa kabiguang natamo sa nakalipas na dalawang season.
“We got a good set of weather conditions,” pahayag ni Bell.
“Sometimes you just need a little bit of luck and we’ve certainly had our fair share of bad luck, so I was entitled to ask the forecasters for that.”
Nakatawid sa finish line ang 70-foot New Zealand yacht Giacomo, pinangangasiwaan ni Jim Delegat at kabilang sa 14-man crew ang dalawang anak na sina Nikolas at James, dalawang oras sa likod ng Perpetual Loyal para sa ikalawang puwesto.
Nakumpleto ng Giacomo ang karera sa loob ng isang araw, 15 oras, 27 minuto at limang segundo. Ilang minuto ang bentahe nila sa pangatlong Hong Kong-based supermaxi Scallywag.