LAS VEGAS (AP) – Ibinida ni Top Rank promoter Bob Arum na ihahanda niya ang unang laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa taong 2017 sa Hunyo.

Ayon sa ulat ng boxingscene.com, ideal ang buwan ng Hunyo sa paglaban ni Pacquiao dahil panahon ito ng pahinga sa ‘session’ ng Senado kung saan isang halal na Senador ni Pacman.

Naging matagumpay ang taong 2016 kay Pacquiao (59-6-2, 38KOs) nang gapiin si Tim Bradley sa kanilang ‘trilogy bout’ noong Abril bago pinatiklop ang dating walang talong si Jessie Vargas para sa WBO welterweight title.

“The truth is it would be sometime before the end of June. Now exactly when that will be I can’t rely on anybody except going over there and meeting with the president of the senate and determine what the schedule is for the senate. His first job is as a senator and I can’t influence when they have recesses,” pahayag ni Arum.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“I know they have recesses scheduled but one I get the schedule of the senate going forward then I’ll sit with Manny, we’ll plan the date and we’ll get an opponent,” aniya.

Sinabi ni Arum na nakatakda siyang magbalik-Pilipinas para mailahad ang plano ng promotion sa tinaguriang ‘People’s Champion’.

Ayok ay Arum idedetalye nila kay Pacman ang talaan ng mga posible niyang makaharap tulad nina Top Rank stablemate at WBO junior welterweight champion Terence Crawford.

“That’s up to Manny so I punt that to Manny. Manny will tell me and we have a number of opponents we’re considering, a number of ways to go, a number of venues we’re talking to about and nothing is going to be finalized till I go to the Philippines and do my due diligence,” sambit ni Arum.

Iginiit ni Arum na hindi ito ang huling laban ni Pacman.

“ Arum doesn’t expect this upcoming bout to be Pacquiao’s swan song. “I think he’ll fight at least twice more next year,” sambit ni Arum.

“After next year, I have absolutely no idea.”

Mapapaso ang kontrata ni Pacquiao sa Top Rank sa pagtatapos ng taong 2017. Nauna nang nagpahiwatig si Pacman na tuluyang magretiro sa boxing at ituon ang kaisipan sa mga gawain sa Senado kung saan impresibo ang performance ng neophyte Senador.

Sa pagdiriwang ng kanyang ika-38 kaarawan sa General Santos City, ikinampanya ng Pangulong Duterte si Pacquiao bilang sunod na magiging Pangulo ng Pilipinas.