Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) ang Metro Manila bilang hotspot ng mga insidente ng indiscriminate firing sa harap ng masigasig na kampanya ng pulisya upang mabawasan ang pagkamatay at pagkasugat dahil sa ligaw na bala ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon sa Sabado.

Ayon kay PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ito ay batay sa datos mula sa pag-aaral at assessment ng Directorate for Operations sa nakalipas na mga taon.

“I have ordered the screening of all data and as of now, NCR (National Capital Region) is the hotspot. This is the place where a number of guns are being fired,” ani Dela Rosa.

May mga kaso na ng pagkasawi sa ligaw na bala sa Metro Manila sa nakalipas na mga taon, at pinakaprominente rito ang kaso ng pitong taong gulang na si Stephanie Nicole Ella, na nasapul ng bala sa ulo habang nanonood ng fireworks display sa Caloocan City. Hindi pa rin nareresolba ang kaso hanggang ngayon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dahil dito, ipinag-utos ni Dela Rosa sa mga hepe ng pulisya, partikular sa Metro Manila, na iwasan ang pagtatala ng mga kaso ng pagkasugat at pagkasawi dahil sa ligaw na bala.

Sakaling may nasawi sa ligaw na bala ay kaagad na sisibakin sa puwesto ang hepe ng nakakasakop na presinto, maliban na lang kung madadakip ang suspek sa loob ng 24 oras. (Aaron Recuenco)