INAASAHAN na mas marami pang bisita mula Israel ang magtutungo sa Pilipinas sa mga susunod na buwan bilang resulta ng pangako ng anim na pangunahing travel agency sa Tel Aviv, Israel, na kanilang itataguyod ang turismo ng bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ibinahagi ni Philippine Ambassador to Israel Neal Imperial sa DFA ang binuong package tours patungong Pilipinas ng mga tour operator sa Middle East. Inihayag niya na bunga ito ng pagtungo ng mga tour operator sa mga popular na tourism site sa Pilipinas.

Ang pangkat ay binubuo ng mga CEO at manager ng Ophir Tours, Mona Tours Ltd., Ayala Travel and Tours Ltd., Galaxy Tours, Ypaymore Ltd. At Alpha Club-Ganim Tours na bumisita sa Cebu, Bohol at Metro Manila mula Disyembre 6 hanggang 12.

Sinamahan sila nina Imperial at Mr. Francisco Lardizabal, Head ng DoT-Market Development Group bilang bahagi ng kampanya ng DoT na buksan ang lumalaking Israeli market sa ating bansa.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Noong Setyembre 2016, umabot sa 11,800 Israeli ang bumisita sa Pilipinas, mas malaki ng 34 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.

“Israel is becoming an important source of tourists for the Philippines with double-digit growth registered in the last three years,” ani Lardizabal.

Nagkaroon ng business-to-business meetings ang tour group kasama ang mga tour company ng Pilipinas, nagsagawa ng ocular visit sa mga pangunahing hotel at sinubukan ang mga aktibidad tulad ng snorkeling, panonood ng mga dolphin sa Bohol, historical tour sa Cebu, at pamimili sa Manila.

“Through the familiarization tour, the participants were able to experience the exciting destinations of the Philippines and learned more about the beauty of our country and people,” saad ni Imperial. (PNA)