Ipinasa ng House Committee on People’s Participation ang dalawang panukalang magpapalakas pa sa partnerships ng local government units, civil society organizations, at business organizations para sa pagpapabuti ng mga produkto at serbisyo sa pamayanan.
Pinagtibay ng komite na pinamumunuan ni Rep. Kaka Bag-ao (Lone District, Dinagat Islands) ang “People’s Participation in Industry Cluster-Based Programs and Projects Act” na nilalaman ng House Bill 1166 na inakda ni Rep. Ma. Lourdes Acosta-Alba (1st District, Bukidnon) at HB 1615 ni AGRI Party List Reps. Orestes Salon at Delphine Gan Lee.
Ayon sa kongresista, ang pagiging ganap na batas ng dalawang panukala ay titiyak sa pagpapatuloy ng “One-Town, One-Product” o OTOP, isang priority program ng gobyerno na isinusulong ang entrepreneurship at paglikha ng maraming trabaho. (Bert de Guzman)