debbie-at-carrie-copy

ISANG araw matapos pumanaw ang kanyang anak na si Carrie Fisher, 60, sumakabilang-buhay naman ang icon na si Debbie Reynolds sa edad na 84.

Inihayag ito ng kanyang anak na si Todd Fisher. “She’s now with Carrie and we’re all heartbroken,” ani Fisher mula sa Cedars-Sinai Medical Center, kung saan isinugod ang kanyang ina nitong Miyerkules.

Inihayag ni Fisher na hindi kinaya ng kanyang ina ang stress sa pagpanaw ng kanyang kapatid at ito’y, “was too much” para sa kanilang ina.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Iniisip ni Reynolds ang kanyang yumaong anak bago siya pumanaw. “I miss her so much, I want to be with Carrie,” anito bago pumanaw ayon sa TMZ.

Nasa tahanan ni Carrie Fisher si Debbie Reynolds nang isinugod siya sa ospital dahil sa stroke, kinumpirma ng People.

Nitong Martes, pinasalamatan ni Debbie sa social media ang mga tagahangang sumusuporta sa kanyang anak.

“Thank you to everyone who has embraced the gifts and talents of my beloved and amazing daughter,” ani Reynolds, 84, sa Facebook. “I am grateful for your thoughts and prayers that are now guiding her to her next stop.

Hindi pa tumutuntong sa edad 20 si Debbie Reynolds nang magbida sa Gene Kelly musical na Singin’ in the Rain. Kilala rin siya sa kanyang Oscar-nominated role sa isa pang musical na The Unsinkable Molly Brown.

Naging usap-usapan ang kanyang pakikipaghiwalay sa mang-aawit na si Eddie Fisher, na ipinagpalit siya kay Elizabeth Taylor noong 1950s. (AP/People)