Disyembre 29, 1982 nang mag-isyu ang Jamaica ng Bob Marley commemorative stamp bilang pagpupugay sa pumanaw na reggae music star.

Ipinanganak bilang Robert Nesta Marley sa Nine Mile, Saint Ann Parish, Jamaica noong Pebrero 6, 1945 nina Norval Sinclair Marley at Cedella Booker, si Bob Marley ay sikat na singer -songwriter.

Kabilang sa kanyang mga hit single ay ang “Exodus”, “Waiting in Vain”, “Jamming”, at ang “One Love”, at “No Woman, No Cry”.

Sa 20 taon niyang career, hindi nawala ang style ni Marley sa bawat aspeto ng Jamaican music, sa kanyang pagpapalaganap sa reggae music at ang mensahe ng rastafari sa buong mundo.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?

Isa si Marley sa mga best-selling artist at pinakamaimpluwensiyang musikero sa kasaysayan, pumanaw si Marley noong Mayo 11, 1981 dahil sa melanoma.